Ang Aking Ina
Ina tatlong letra pero madami ang ibig sabihin Ina na laging
nandiyan sa tuwing kailangan mo siya, ina na tutulong at gagabay sa iyo, ina na
tatanggapin ka kahit sino o ano ka pa, ina na gagawin ang lahat para mabigay
lahat ng pangangailangan mo, ina na susuportahan ka sa mga gusto mo basta nasa
tama ang gagawin mo at higit sa lahat ina na mamahalin ka ng lubos higit pa sa
buhay niya.
Iyan
ang ina ko masipag, matulungin, matiyaga, gagawin ang lahat para lang mabigay
niya ang lahat ng pangangailanagan mo, malinis siyang tao lalo na sa bahay ayaw
niya ng madumi at makalat ang bahay may makita lang siyang dumi ay magwawalis
agad siya walang araw na hindi siya nag lilinis ng bahay, kahit na pagod na siya sa pag tratrabaho ay
mag tratrabaho pa rin siya para may pang gastos kayo sa pang araw araw hindi siya nagrereklamo na napapagod na siya
hanggat kaya niya pa mag trabaho at mag tratrabaho pa rin siya kahit na
minsan ay makikita ko na napapagod na
siya sa pag tratrabaho ay hindi niya ito pinapahalata. Matulungin siya lalo na
sa mga taong nangangailangan halimbawa na lamang kahit na sapat lang yung pera
na meron siya para pang gastos sa pang araw araw ay ipapahiram niya pa ito sa nangangailangan
kahit na alam niya sa sarili niya na sapat
lang yun sa pang gastos niya mas iniisip niya yung ibang tao kaysa sa sarili
niya. Hindi siya yung ina na sinasabi kung gaano kaya niya kamahal pinaparamdam
niya yung pagmamahal niya sa pamamagitan ng pag alaga at pag suporta sa akin sa
lahat ng bagay kahit hindi niya sabihin na mahal niya ako ay nararamdaman ko
naman kung gaano niya ako ka mahal, Masasabi kong istrikto rin siya lalo na at
nag iisa lamang akong anak ayaw niya na uuwi ako ng gabi na, kailangan ipaalam
mo kung saan ka pupunta at sino ang kasama mo pero kahit gaano pa siya
kaistrikto sa akin ay ayos lang dahil alam ko naman na ginagawa niya yun para
sa ikakabuti ko wala naman ina ang gustong mapahamak ang kaniyang anak ang
gusto lang naman ng mga ina natin na mapabuti yung buhay natin diba nga may
kasabihan na ang ina ay isang ilaw ng tahanan dahil nagbibigay ito liwanag sa
pamilya
Kaya ang aking ina ay isang kayaman ko dahil hindi ko mararating
kung nasaan ako ngayon kung hindi sa kaniya ang pagmamahal niya sa akin ay
hindi matatawaran at hindi matutumbasan kaya tayong mga anak wag tayong mag
reklamo kung napapagalitan tayo ng ating mga ina dahil ang gusto lang naman
nila ay mabuti tayo lagi natin silang galangin at resputuhin kaya hanggat maaga
iparamdam natin sa kanila kung gaano
natin sila ka mahal baka sa banadang huli ay magsisi ka dahil huli kana na
iparamdam sa ina mo kung gaano mo siya ka mahal.
NAME: Precious Aiza B. Telecio
YEAR/SECTION: 1-8 BSHM
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento